Eastern Samar, 2 beses nilindol

DALAWANG magkasunod na lindol ang naranasan ng Eastern Samar, Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang unang pagyanig na may magnitude 3.8 bandang 1:27 a.m. na may epicenter sa 14 kms southwest sa bayan ng Salcedo sa Eastern Samar.

Nabatid pa sa Philvocs na ang naturang pagyanig ay tectonic kung saan naramdaman ang Intensity II  sa bayan ng Guiuan sa Eastern Samar.

Bandang 5:01 naman ng muling yanigin ng pangalawang lindol ang naturang lugar na may magnitude 3.6 at may epicenter na 38 km northeast sa bayan ng Guiuan.

Ang naturang pagyanig ay tectonic ngunit hindi pa malaman kung saan eksaktong lugar naramdaman ang pagyanig.
Wala namang naitalang nasugatan at nasirang ari-arian.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply