Eastern Samar nilindol

NIYANIG ng lindol ang Eastern Samar na may  magnitude-3.1, madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol bandang 3:35 a.m na may epicenter sa 14 km northeast ng Hernani Eastern Samar.

Halos hindi naman naramdaman ng mga residente sa naturang lugar ang pagyanig. Wala ring nasirang ari-arian at wala ring naitalang aftershocks.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply