Ejay Falcon, may karelasyong gay fashion designer?

PAGKATAPOS ng nude photo scandal, may bagong intriga kay Ejay Falcon. May karelasyon diumano itong  gay fashion designer na nagngangalang Avel Bacudio.

“Sa totoo lang po, hindi ko siya kilala.  Hindi pa kami nag-meet,” buong ningning niyang sagot.

May mga kilala raw namang gay fashion designer si Ejay tulad nina Francis Libiran at Joey Samson. Pero pinagdidiinan niya na hindi raw niya talaga kilala si Avel.

Tinanong din  si Ejay  tungkol sa pelikulang ginawa niya sa India kasama ang nali-link sa kanyang si Queenie Padilla. Kinumusta rin kung ano masasabi niya kay Robin Padilla na katrabaho.

“Nung unang araw po, naiilang ako sa kanya kasi idol ko po talaga siya. Tapos sinabi niya,  “Ano ka ba, gawin mo kung ano yung gusto mong gawin dito sa movie. Lahat kayo may karapatan dito. Kung ano..mag-suggest ka, gawin mo yan. Huwag kayong mahiya sa akin. Tapos ayun po, nawala na ‘yung hiya ko sa kanya. Tapos po nag-bonding na kami roon. Lagi ko na po siyang nakakakwentuhan”sabi ni Ejay.

Ikinuwento rin ng actor  kung paano siyang napili sa pelikula.

“Kasi po nagkasama kami ni Queenie sa ‘Momay,’ kami po ang partner doon. Di ba po sobrang bilis natapos yung Momay? So sabi nila, gusto nilang sundan. Kaya ayun, ako yung kinuha rin nilang partner ni Queenie sa movie,”

Nanlilligaw na ba talaga siya kay Queenie?

“Hindi ko siya nililigawan. Parang hindi ko pa nararamdaman na ligawan siya,”

Pero aware ba siya na sa isang TV interview ni Queenie nang matanong siya rito ay halatang kinikilig ito sa kanya?

“Talaga? Hindi ko napanood yung interview sa kanya e,”

Sa tingin ba niya kung sakaling liligawan na niya si Queenie ay matatanggap siya ni Robin?

“Kasi ano..sa tingin ko naman, oo,”natatawang sagot ni Ejay

Tsuk!

SINO ANG TUNAY NA PRINCE OF BALLAD? GERALD SANTOS OR RONNIE LIANG

Pinag-uusapan kung sino talaga ang Prince of Ballad kina Gerald Santos at Ronnie Liang.May kanya-kanya silang opinion. May nagbabalak tuloy na iprodyus ang dalawa sa isang show para malaman kung sino ang sino.

Oks lang kay Gerald  na mag-showdown sila. Tao na lang daw ang huhusga kung sino talaga ang tunay na balladeer sa kanila.

Basta panoorin na lang si Gerald Santos sa  mall tour nito para sa kanyang ‘Pinakahihintay’ album. Ngayong  Nov.26, 4PM sa  SM Novaliches at Nov. 28, SM Sta. Rosa.

LIEZL MARTINEZ, NAPIKON SA ISANG ACTOR- TV HOST

Nagulat kami sa shout out ni Liezl Martinez sa kanyang Facebook. Sino kaya ang actor-tv host na pinatutungkulan niya at nasira ang umaga niya.

“Who is this actor/host na nagbi-bitter-bitteran na naman! Strike 2 ka na sa akin! Gosh grow up! You really make my blood boil! You know kasi,  Albert is too nice to answer back pero ako papatulan na kita!”

Tahimik lang ito si Liezl pero mukhang napikon na siya at sumabog sa actor-tv host?

KIM CHIU, AMINADO NA KELANGAN NA SILANG PAGHIWALAYIN NI GERALD ANDERSON

Aminado si Kim Chiu na magpapahinga muna ang love team nila ni Gerald Anderson.

“Sa ngayon, wala pa po, e. Hiwalay muna kami,” aniya po.

“Zero balance muna tayo diyan,” ang natatawang sagot ni Kim tungkol sa kanyang lovelife. Definitely, ang upcoming Christmas niya ay isang malamig na Pasko, sa Amerika i-spend ni Kim ang Pasko…

“Kaya nga sa snow ako magpa-Pasko, ako lang mag–isa.”

Bakit mag-isa lang siya?

“Wala lang, para masaya.”

‘Yun  na! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply