Eki Cardenas: Unang Pinoy na nahalal sa Cornell University Council

“OF every noble work the silent part is best, of all expression that which can not be expressed,”  William Wetmore Story.

May mga taong tahimik na gumagawa at nakapag-aambag ng karangalan sa bansa nang walang alingas-ngas.
Sila ang mga taong ikararangal mo.

Isa na dito si Ramon Cardenas o mas kilala bilang ‘Eki’ sa kaniyang mga kaibigan,  kasalukuyang chief of staff ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kamakailan ay nahalal si ‘Sir Eki’ bilang kauna-unahang Life Member sa prestihiyosong Cornell University Council sa New York City.

Isa sa pangunahing unibersidad sa buong mundo ang Cornell University na Ika-14 sa “Times Higher Education World University Rankings” at ika-16 sa “QS World University Rankings”.

Dahil sa hindi mapapantayang paglilingkod at pagkukusa na maglaan ng kaniyang panahon/oras  at pagtulong sa Cornell University , nagkaisa ang Board of Trustees na iluklok si Cardenas bilang Life Member ng Cornell University Council.

Sa isang liham pagbati, ipinaabot ng pa-ngulo ng unibersidad na si David J. Skorton ang kanyang taos-puso at matibay na pagsuporta sa desisyon ng Board na kilalanin ang hindi matatawarang serbisyo ni Cardenas sa pamantasan sa nagdaang mga taon.

“I hope that as a Life Member you will continue to engage in leadership activities similar to those that were the basis for your election to Council. Congratulations on your election as a Life Member. Your leadership and counsel are invaluable in sustaining and enhancing Cornell’s excellence,” wika ni Skorton.

Si Cardenas ay kauna-unahang Filipino na nominado at inihalal ng Board of Trustees bilang miyembro ng prestihiyosong Cornell University Council kung saan nag-serbisyo siya nang dalawang termino.

Ngayon, iniluklok naman siya bilang kauna-unahang Filipino na Life Member ng Cornell University Council. Kabilang sa mga Fi-lipino na naging miyembro ng Council sina NEDA director-general Cayetano Paderanga; CHED chief Patricia Licunan; dating UP President at DOST Secretary Emil Javier; at dating Agriculture Secretary Arturo “Bong” Tanco.

Bago naitalagang chief of staff ni Sen. Marcos, nagsilbi rin si Cardenas bilang hepe ng Presidential Management Staff (PMS); at deputy executive secretary na may cabinet rank noong 1998 hanggang 2001.

Nagtapos sa Ateneo de Manila University si Cardenas sa kursong BA Economics na may karangalang cum laude; at may MA sa economic planning and development mula sa Cornell University.

Isang Ivy League University ang Cornell University sa Ithaca, University na may mahigit 255,000 living alumni kabilang ang 28 Rhodes Scholar at 41 Nobel Laureates.

Kabilang ang Cornell University sa Top 20 universities sa buong mundo at kasama rin sa Top 10 universities sa buong United States.

“Eki is very hardworking. He is always behind Senator Marcos at committee hearings at the session hall during sessions despite that he held several important positions in government.  His demeanor is always so unassuming and pleasant.  Once I saw him holding the hand of his cute niece as he was happily taking around members of his family to the Senate museum.  Friendly, approachable, Eki is welcome addition to our Senate community,” ayon kay Ms. Pamsy Teoseco, Media Relations Officer (MRO), Office of Senator Loren Legarda.

Congratulations po Sir Eki! Linda Bohol


Leave a Reply

*
Nako ang ganda ng The Legal Wife,nakaka tense. Gus...
NYAHAHAHA SO KAKASUKA KUNYARI LANG NA EXTEND ANG S...
NYAHAHAHHA DALAWANG SERYE NGAUN SA PRIMETIME NG DO...
SOP yun....itong writer maka bobo lang lumalabas t...
Bakit Abe, ibig mo bang sabihin eh na-outnumber na...
hahaha! baka kailangan na ni kristd mag-shampoo na...
AGB? hahahaha! patawa ka naman kristd eh....hahaha...
hahaha! dito sa u.s. (siguro kahit sa ibang bansa ...
corek...
sa title pa lang ay mukhang may sense ang mga peli...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.