Electrician pinatay dahil sa cellphone

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang vendor nang pagbintangan kumuha ng cellphone ng isang electrician na kalaunan ay natuklasang naiwan palang naka-charge sa isang tindahan, kamakalawa ng gabi, sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital sanhi nang dalawang tama ng saksak sa tagiliran si Ricky Miguel, 37, vendor, residente ng 24 Kapisanan st., ng nasabing lungsod habang sugatan din matapos masaksak sa kaliwang kamay si Alden Lobrio, barangay kagawad, nang harangin ang suspek na si Roland Tapic, 38, nakatira sa 162 Kapisanan st. matapos habulin  ang nakatakbo pang biktima sa harapan ng barangay hall.

Nadakip si Tapic ng pulisya matapos pagtulungang bugbugin ng mga kalalakihan na nakasaksi sa ginawang pananaksak sa biktima at sa kagawad ng barangay.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutinolice,  kasama ng suspek ang kaibigang si Manuel Adones, 30, nang komprontahain ang biktima kaugnay sa nawawala niyang cellphone.

Itinuro ni Adones si Miguel na siyang kumuha sa nawawalang cellphone ng suspek kaya’t sa galit ng biktima sa maling pagbibintang ay sinuntok kaagad niya ang kaibigan ng suspek

Dito bumunot ng patalim si Tapic at kaagad inundayan ng dalawang saksak sa tagiliran ang biktima, na nagawa pang makatakbo hanggang sa barangay hall subalit hinabol pa ng suspek.

Napag-alaman na naiwan pala ng suspek na naka-charge sa isang tindahan na kanilang pinag-iinuman noong Martes ng gabi ang nawawalang cellphone at nalimutan na niya itong kunin bunga ng kalasingan. (Johnny F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply