Ely Buendia, type makapareha si Marian Rivera

BY invitation ang concert ng  renowned OPM Legend Ely Buendia sa pagdiriwang ng  superstar singer and songwriter ng kanyang 40 years of living, loving and rocking on his first ever solo performance entitled “Ely Buendia XL-Xtra Live at 40” sa Republiq noong nakaraang Sabado.

Naabot ni Ely ang superstardom status bilang guitarist, songwriter and lead vocalist ng bantog na rock band nu’ng dekada ’90, ang Eraserheads.

Nakapag-release ng solo album and collaborated with Rap Legend Francis Magalona on In Love and War, one of the biggest selling albums of the year. At present, this multi-faceted icon is exploring new frontiers as the guitarist and lead vocalist of the critically acclaimed rock group, Pupil.

Bukod dito, sa naturang concert kasama rin Ely ang bandang Dope Militia. At malapit nang ilalabas ang kanyang third album.

ELY MAS PIPILIIN MAGING DIREKTOR KESA UMARTE

Nag-aartista na ang ilang miyembro ng iba’t ibang banda  tulad nina Rico Blanco at Kean Cipriano. Feel din kaya ni Ely ang umarte sa teleserye o pelikula?

Aniya, nu’n pa man marami nang umalok na mag-artista pero mas gustuhin niyang sa likod lang ng kamera tulad ng pagdidirek. Katunayan mayru’n na siyang idinirek na isang indie film.

Humahanga siya sa mga obra ng mga sikat na director tulad nina Mario O’hara at Clint Eastwood.

Kung alukin kaya siyang umarte sino ang gusto niyang makakakapareha?

Gusto ni Ely makapareha si Marian Rivera.

Meanwhile, this truly star-studded, by invitation only show from the celebrated singer-songwriter should not be missed as it airs on GMA 7’s Sunday Night Box Office on December 12, 10:30 p.m.

OooO

Sa “Face to Face” sa  Huwebes,  “Si Misis nananakit kaya si Mister kumabit nang kinalabit”. Ang Trio Tagapayo ay sina  Atty. Ben Acosta, Dr. Camille Garcia at Fr. Gerry Tapiador. Sa Biyernes, “Monthsary para mapagdiwang, si Bading ay umutang”. Sina Atty. Benedicto Acosta, Jr., Doc Camille Garcia at Fr. Sonny Merida.

Ang “Face to Face” ay napapanood bago magtanghali sa TV5, hosted by Amy Perez. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply