Empleyado ng DPWH patay sa maiingay

NASAWI ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways matapos bugbugin at saksakin ng apat na sinita nito habang nag-iingay sa tapat ng kanyang bahay, sa Malabon City.

Namatay sanhi ng bugbog at mga saksak sa katawan si Wilfredo Baclig, 53, ng Delos Santos st., Tonsuya, ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang magkapatid na Jobert at Jason Arcega, ng C. Perez st., Tonsuya, at dalawang hindi pa nakikilalang mga kasama nito.

Batay sa ulat, anap na 6:45 ng gabi, nasa loob ng bahay ang biktima nang makarinig ng mga maiingay sa labas na naging dahilan upang labasin ng una.

Nakita ng biktima na ang mga suspek at sinita subalit sinagot pa siya nang pabalang ng magkapatid bago nagsialis.

Hinabol ng biktima ang mga suspek subalit nang maabutan ay pinagtulungan si Baclig na bugbugin at pagsasaksakin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply