Empleyadong papasok ngayon tatanggap ng double-pay dahil sa Eid holiday

BILANG pagdiriwang ng Eid’l Adha (Muslim Feast of Sacrifice), tatanggap ng double pay ang lahat ng empleyadong nasa pribadong sektor na pumasok sa trabaho.

Ayon sa panayam ng DZMM kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, dineklarang national holiday ang Nobyembre 16 bilang pagdiriwang ng Eid’l ng mga Muslim.

Paliwanag ni Baldoz, kapag pumatak na regular workday ngayong araw ng isang empleyado at siya ay pumasok sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsyento ng kaniyang basic wage para sa unang walong oras ng ipinagtrabaho at karagdagang 30 porsyento ng kaniyang hourly rate para sa lagpas walong oras na ipinagtrabaho.

Kung pumatak namang day-off ng empleyado at pinapasok pa rin ito, tatanggap siya ng 260 porsyento ng kaniyang daily rate para sa unang walong oras at dagdag na 30 porsyento ng hourly rate para sa lagpas walong oras na ipinagtrabaho.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply