Ensayo ni Pacman, crucial na!

Tahasang inihayag kahapon ni Filipino boxing sensation Manny Pacquiao na nasa crucial stage siya ng pagsasanay bilang paghahanda sa salpukan nila ni Mexican Antonio Margarito sa November 13 (November 14 sa Manila).

“Inaasahang mag-iispar ako ng 12 rounds bukas o sa makalawa, at ito ang isa sa pinakamahirap na yugto ng training matapos kaming nag-spar ng 11 rounds noong Huwebes,” ayon kay Pacman.

Kinumpirma rin ng boksingero na pagkatapos ng first week ng  November, mababawasan na ang bilang ng kanyang sparring rounds.

Idinagdag pa ng  7-division world champion na nag-eensayo siya ng husto dahil alam niya na matinding training ang ginagawa ng kanyang kalaban sa training camp nito.

“Ayon sa mga bali-balita, si Antonio Margarito ng Mexico na siya kong makakaharap sa isa sa pinakamahirap kong laban, ay handang-handa na rin, anang boksingero na isa ring mambabatas.

“Alam kong matindi ang motibasyon ni Margarito kaya naman pinagbubuti ko rin ang pagsasanay para sa mahalagang laban na ito,” wika nito.

Si Pacman at Margarito ay maglalaban para sa vacant World Boxing Council (WBC) super welterweight title sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Kumpiyansa naman si Pacman na masusungkit niya ang 8th world title sa walong iba’t ibang weight divisions.

“Kung tayo po ay papalarin sa pagsubok na ito, mapagbubuti natin ang record na hinahawakan ng isang Filipino,” dagdag pa ng pound for pound king.

Ayon kay coach Freddie Roach, inaabot pa rin ni Pacquiao ang kanyang best condition na kailangan nito para sa laban kontra kay Margarito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply