Eskuwelahan ginagamit sa pulitika

INAKUSAHAN ng kampo ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang kanyang bise alkalde at dating mayor na si Freddie Tinga sa paggamit sa dalawang pamantasan sa lungsod sa pamumulitika at pagbabato ng maling akusasyon sa pagnanais na maibangon sa kahihiyan ang kanilang sarili mula sa mga nadiskubreng anomalya.

Ayon kay Atty. Darwin Icay, tagapagsalita ng team Cayetano, naging pasimuno umano si Tinga at kaalyadong si vice mayor George Elias sa paggamit ng mga pamantasan upang sirain ang maayos na pamamahala ng alkalde matapos malantad ang mga pinasok nilang maanomalyang kontrata na tinustusan ng milyong pisong halaga.

Magugunita na naging mainit ang usapin hinggil sa umano’y payroll padding at iba pang anomalya sa Taguig City Universtity (TCU) na natuklasan ng bagong upong vice president for administration na itinalaga ni Mayor Cayetano.

Pumalag naman ang pangulo at Board of Regent na pawang itinalaga naman ni dating Mayor Freddie Tinga sa akusasyon at naglabas pa ng kalatas na “martial law” na umano sa TCU sa ilalim ng “conjugal dictators” na sina Senator Alan Peter Cayetano at Mayor Lani Cayetano. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply