Estudyante patay sa tripper

NASAWI ang isang 3rd year high school student nang mapagtripang saksakin ng kapwa nito binatilyo na hinihinalang lango sa ipinagbabawal na gamot, sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Arvee Renzo Gubmalin,16, 3rd year student ng Rajah Suliman High School, naninirahan sa 614 Gate 3, Area A, Parola compound, ng nasabing lungsod.

Tinutugis ng pulisya ang suspek na tinatayang may edad sa pagitan ng 15-18 anyos, nakasuot ng kulay puting t-shirt, mahaba ang buhok  na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO3 Edgardo Ko, dakong 2:10 ng madaling araw ay umalis ang biktima nang sabihan ito ng kanyang kamag-anak na sunduin ang tiyahing si Deborah Sicat sa Bliss Tondo dahil ang nanay ng huli ay sinumpong ng high blood.

Nakarating naman ang biktima sa bahay ng tiyahin at nang pabalik na ay sumakay ng pedicab si Deborah habang naglakad lamang si Arvee.

Habang tinitignan ni Deborah ang kalagayan ng  ina (ina ng binata) nang dumating ang biktima ay sinabing may tama siya ng saksak sa katawan.

Isinugod ang biktima sa opsital subalit idineklarang dead on arrival ng mga doctor.

Hinala ng pulisya na napagtripan ng kapwa nito binatilyo ang biktima. Inaalam din kung lango sa ipinagbabawal na gamot ang suspek nang isagawa ang krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply