Ex ni Philip Salvador at Rey Malonzo, ikinasal sa komedyante

MARAMI ang nagulat nang magkasamang dumating sa ginanap na 24th PMPC Star Award for TV sa Resort World Hotel Manila sina Ariel Villasanta (ang ka-tandem ni Maverick) at ang controversial na milyonaryang si Cristina Decena.

Super sweet ang dalawa at sabay na inihayag sa entertainment press na nagpakasal na sila a week ago sa HOng Kong.

Ultimo kami na natoka sa reception ay hindi makapaniwala na mag-asawa na ang dalawa dahil hindi naman nabalita na nanligaw si Ariel (pinsan ni Joey de Leon at isang komedyante rin) sa controversial businesswoman na ex ni Philip Salvador at minsan din na-link kay former Caloocan Mayor Rey Malonzo.

Sabi tuloy ng kapatid natin sa panulat na sadyang mahilig daw sa showbiz personality ang controversial businesswoman kaya naman lagi itong nasa limelight at pinag-uusapan.

Ang siste, dahil milyonarya si Ms Cristina D, hindi maaalis na isipin ng publiko na ang yaman lang niya ang pinag-interesan ng mga nali-link at nakakarelasyon niya?

But who knows, baka naman nakita nina Ariel at Cristina ang mga katangian hanap nila sa isa`t-isa? Ano sa palagay mo my dear editor? (Hindi ako mapalagay—ED)

AUBREY MILES, RUMESBAK KAY MICHELLE MADRIGAL

Sinagot ni Aubrey Miles ang mga akusasyon sa kanya ni Michelle Madrigal na siya daw ay plastic, fake, maninira at pasimuno sa pagtanggal ng mga castaway. Isama pa na ginagamit raw ni Aubrey ang alindog para mapasunod ang mga kalalakihan sa isla tulad nina Ervic Vijandre at Akihiro Sato?

“It`s true na may alliance ako. Siyempre, nag-uusap naman kami. Pero pagdating sa botohan, sila ang nasusunod at bahala sila kung sino ang gusto nilang matanggal. Ako, iboboto ko ang gusto ko.

I`m not the one na nagsusulat doon sa papel ng ibang tao. Kung ano ang boto nila, yun ang kanilang desisyon,” sagot ni Aubrey sa paratang ni Michelle.

Sa isyu namang ginagamit niya ang kaseksihan at alindog para madiktahan ang mga kasamang castaway?

“Oo, naman,” mabilis na tugon niya.” Kung magwu-work, why not, di ba? Wala namang nagsabing hindi puwede yun sa Survivor. Kanya-kanya tayo ng diskarte. Noong mga first few days, medyo nagagamit ko pa ang alindog ko. Pero noong napapansin ko na pumapangit na ako, hindi na yata umubra. Kailangan ibang paraan na ang gamitin ko.”

Sa paratang naman na plastic at sinisiraan niya ang magdyowang castaway na sina Michelle at Jon Hall?

“Unang-una, lahat naman kami nagsasalita about everybody. May mga pintas kami or may nasasabi kaming hindi maganda about some castaway.

Nakakasiguro ako na sila rin ay may nasabi. So, why single me out.?

“Sa Twitter isyu na doon pa ako nag-sorry kay Michelle. I remember na nag-hi lang ako sa kanya and napansin ko marami na akong haters. But prior to that Twitter thing, I already said sorry to them.

So why make it a big deal ngayon?

“Ang hirap kasi nito porke`t natanggal na sila. Ako ang tinuturo nila na bad player. Ako na yung naninira.Whereas I`m just playing the game as it is called. Hindi ko na kasalanan kung hindi nila alam laruin ang Survivor.

“May kasabihan nga, don’t hate the player, hate the game.

Kung hindi mo alam laruin ang Survivor, siguradong mapipikon ka.

Always keep in mind na this is a game at walang personalan dito,”mahabang paliwanag pa ni Aubrey.

***
Ngayong  Friday sa Bubble Gang, nag-away sina Ogie Alcasid at Wendell Ramos nang dahil lang sa bente pesos na sukli. Alamin kung saan hahantong ang kanilang pagkakaibigan sa “Dahil sa Sukli.”

Mag-e-alien hunting naman sina Bitoy at Ogie gamit ang bagong tuklas nilang paraan ng paghuli sa mga alien sa “Alien Hunt” habang isang lalaki naman ang todo-deny ng kaniyang tunay na kasarian sa “Ano Ko Bading.”

Mahigit isang dekada na-stranded sa isang island ang isang producer at isang actor. Panoorin ang mala-Survivor nilang kuwento sa “15 Years.”

Abangan din ang “Mahalin ang Kasangkapan” sketch ng babae in-love sa mga kagamitan niya sa bahay; “Tili Gags” mga gags tungkol sa mga taong tili nang tili at ang pagpapatuloy ng kuwento ng dalawang magkapatid na sina Cheche at Bureche ngayong Friday pagkatapos ng Beauty Queen sa GMA Telebabad. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply