Ex-seaman nahulihan ng cocaine na nagkakahalaga ng P7 milyon sa Iloilo

ISANG dating seaman ang naaresto makaraang mahulihan ng tinatayang isang kilong cocaine na nagkakahalaga ng P7 milyon sa isinagawang anti-drug operation sa Iloilo noong Martes.

Ayon sa report ng dzBB,  nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Iloilo police si Carlito Buen, 50, habang nagsasagawa ng kanilang operasyon.

Ayon kay PDEA Western Visayas head Paul Ledesma, narekober kay Buen ang cocaine matapos may nakapagtimbre sa kanila na nagbebenta ng ilegal na droga sa mga mayayaman sa lugar ang suspek.

Sinimulan ang naturang operasyon tatlong araw ang nakararaan sa Maninila village sa barangay  Miag-ao sa  Iloilo kung saan gumamit sila ng undercover agents bilang pain at  bumili ng ilang gramo ng cocaine sa suspek.

Dagdag pa ni Ledesma, humingi sila ng tulong sa PDEA upang agarang maaresto si  Buen.

Inaalam pa ng pulisya kung may katotohanan ang impormasyon na inaangkat ni Buen ang cocaine sa Samar sa Eastern Visayas, kung saan nakarekober din sila ng naturang droga ilang buwan na ang nakararaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply