Ex-VP De Castro sabit sa P5-B housing scam

NAKARATING  sa Senado ang panibagong P5-bilyon “housing project scam” ng Home Mutual Development Fund, mas kilala sa tawag na Pag-IBIG Fund, na inaprubahan ng dating Pangalawang Pangulong Noli “Kabayan” de Castro.

Sa panayam kamakailan, sinabi ni Sen. Serge Osmeña III na mabuting natuklasan ng Senado ang ganitong eskandalo at anomalya sa Pag-IBIG na siyang naghudyat upang mapigilan ang panibagong pagsulpot ng katiwalian.

“As a matter of fact, it’s a good thing that we have discovered the anomaly early enough kasi merong reports na meron ding P5 billion para dun sa housing nila sa Subic. Meron din sila sa Mindoro, sa Bacolod. Kung tuloy-tuloy ito, if we had waited another year, that would be another P7
to P10 billion,” giit ni Osmeña.

Sinabi nitong muling ipatatawag si De Castro sa susunod na pagdinig hinggil sa panibagong anomalya na natuklasan ng Senado sa isinasagawang  imbestigasyon sa P6.6 bilyong anomalya sa Xevera housing project ng Globe Asiatique na inaprubahan ng Pag-IBIG.

Sa naturang imbestigasyon ng Senado, natuklasan na umaabot sa 1,900 ang pekeng buyer na inaprubahan ng Pag-IBIG ang housing loan gamit ang garantiya mula sa Globe Asiatique na pag-aari ni Delfin Lee.

“Hindi naman nila made-deny na may nawala na malaking pera ang Pag-IBIG, hindi nila made-deny na there are false buyers, hindi nila made-deny na there is something wrong with the procedure or the system that was employed by Pag-IBIG,” ayon kay Osmeña.

Ipatatawag din umano ang dating Bise Presidente ng Kamara de Representantes upang dumalo sa imbestigasyon ukol sa anomalya.

Sa isang panayam, sinabi ni CIBAC Rep. Sherwin Tugna na nagkaisa ang mga miyembro ng House committee on good government na ipatawag si De Castro dahil siya ang chairman of the board ng naturang ahensya nang maganap ang anomalya.

Bukod sa dating bise presidente ay pina-subpoena na rin si Delfin Lee, presidente ng Globe Asiatique Inc.

“Under his watch ito. Wala namang iba. He is morally responsible dito,” paliwanag pa ni Tugna.

Sa pagdinig ng komite ay si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang nag-mosyon na padalhan na ng subpoena si De Castro, samantalang si Ilocos Rep. Rodolfo Fariñas naman ang nag-mosyon na i-subpoena si Lee.

“The amount involved here is P5 billion. For me P5 billion is P5 billion. Talagang ang pinakamalaking epekto nito is the public distrust out of this anomaly,” ani Rodriguez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply