Extra bonus ng gov’t workers, sa Dec. 15 na

MATATANGGAP na ng mga empleyado ng pamahalaan ang P7,000 extra bonus sa darating na Disyembre 15, 2010.

Ang nasabing halaga ay tinatawag na productivity enhancement incentive, bukod pa sa 13th month pay at cash gift para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Butch Abad, ang pondong gagamitin para rito ay huhugutin sa savings ng national government at maaaring umabot ng P10,000 kung may sariling ipon din ang mga ahensya ng pamahalaan at kayang ibigay ang kulang na P3,000.

Aniya, wala ito sa batas subalit nais pagbigyan ng pamahalaan ang kahilingan ng mga manggagawa na makatikim naman ng maayos na Pasko.

Lahat aniya ng mga gobyerno kahit mga casual at contractual basta nakapagtrabaho na ng apat na buwan ay pasok na sa nasabing bonus.

Sa ulat, ang naturang bonus ay nakapaloob sa Administrative Order No. 3 na una ng nilagdaan ng Pangulong Benigno Aquino III. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply