Facebook, Twitter ipinagbawal na

TULUYAN nang ipatitigil sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang paggamit ng social networks, partikular ang Twitter at Facebook, upang magbigay ng mga negatibong komento ukol sa bansa, opisyal at kung anu-ano pa na makakasama sa imahe ng Pilipinas.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hinihintay na lamang nila ang gagamiting guidelines,  kung saan nakasaad ang tamang code of conduct ng isang empleyado at opisyal ng gobyerno.

Sa ngayon ay patuloy na idinadaan sa konsultasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang hakbang na ito ng pamahalaan.

Sinabi pa rin niya na bago ipalabas ang  me-morandum circular sa bagay na ito ay idinaan muna nila ang nasabing usapin sa legal team.

“Yun po ang kailangan nating pag-aralan  kung papano,” ani Valte. Kailangan pa aniyang  masigurado  na di ito lalabag sa karapatan ng mga taga-gobyerno. Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply