Factory worker inutas sa bus

PINAGBABARIL ang isang factory worker ng hindi nakilalang salarin habang nakasakay sa pampasaherong bus, kahapon ng umaga, sa kahabaan ng Soriano Highway, Brgy. Amaya, bayan ng Tanza Lalawigan ng Cavite.

Nakilala ang biktimang si Alfred Lebajan, nasa hustong gulang, factory worker ng EPZA at nakatira sa Brgy. San Juan 2, Gen. Trias ng lalawigang ito na namatay habang ginagamot sa Tanza Family Hospital.

Mabilis namang nakatakas ang dalawang suspek na hindi nakilala sakay ng isang motorsiklo na hindi nakuha ang numero ng plaka.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Danny Fugoso, dakong alas 7:00 ng umaga nang sumakay ang biktima ng bus na may plakang DXN-623, sa Brgy. Amaya, at hindi kalayuan ay sumakay din ang suspek.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay bigla na lang binaril ng suspek ang biktima nang malapitan, at sa takot ng mga pasahero saka driver ay nagtakbuhan ang mga ito papalabas ng bus, kaya nagkaroon ng pagkakataon na makatakas ang salarin.

Sumakay ang suspek sa sumusunod na motorsiklo sa bus na nagsilbing get way vehicle.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima, habang nakuha  sa loob ng bus ang mga basyo ng kalibre .9mm na ginamit sa pamamaslang. Gaynor Bonilla

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply