Federer tiniris ni Roddick

MISTULANG tiniris ni Roger Federer si Andy Roddick matapos matamo ang 6-2, 6-4 sa ginanap na Swiss Indoors semifinals sa Basel, Switzerland na unang rematch ng dalawa sapul noong 2009 Wimbledon final.

Si Federer ay sinira ang mga serve ni Roddick nang dalawang beses sa bawat set bago nagpasabog ng 13 aces.

Ayon kay Federer, hindi makapaglatag si Roddick ng ace kaya sinamantala niya ang pagkakataong ito.

Matatandaan na sa Wimbledon ay giniba ni  Federer si Roddick na pang-39 na niyang pagtatangka na maisukbit ang panalong 16-14 sa fifth set.

Naniniwala naman si Roddick na malas siya ng araw na iyon at hindi umano niya mahanap ang ritmo ng kanyang kamay na naggawad sa kanya ng kabiguang manalo. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply