Fetus sa garapon, nahukay sa Sta. Mesa

ISANG fetus na nakalagay sa garapon ang nahukay sa isang construction site ng Government Service Insurance System sa Anonas St., Sta. Mesa, Manila.

Ang fetus ay tinatayang nasa lima hanggang anim na buwang gulang, ayon kay Manila Police District Homicide Section Chief Inspector Armando Macaraeg.

Mga dakong alas 8:30 ng umaga nitong Martes ng mapansin ng isang construction worker ang isang garapong nakabaon sa lupa, ayon sa pagsisiyasat ni Police Officer 3 Alonzo Layugan.

Agad umanong hinukay at binuksan ng manggagawa ang lalagyan. Bumungad sa kanya ang fetus at kaagad niya itong pinagbigay-alam sa himpilan ng pulis.

Malaki ang hinala ng pulisya na madaling araw inilibing ang fetus sa nasabing lugar upang walang makakakita  sa pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply