Fil-Am dedo sa atake sa loob ng eroplano

NAMATAY ang isang 71 anyos na Fil-American habang nasa himpapawid ang sinasakyan nitong international aircraft patungong Manila galing Honolulu, Hawaii kahapon.

Kinilala ni Mary Beth Benitez, flight stewardess ng Philippine Airlines, ang biktima na si Rolando Patron, nakaupo sa seat 65C ng PAL flight PR 101.

Ayon kay Benitez, nakaupo sa isle seat ang biktima nang pakiusapan ito ng katabing pasahero na makikiraan dahil papunta ito sa palikuran subalit hindi gumising ang biktima kaya humingi ng tulong sa kanya ang naturang pasahero.

Sabi ni Benitez na nang pakiusapan niya ang biktima na umayos sa pagkakaupo, napansin niya na hindi na ito humihinga na posibleng inatake sa puso.

Agad namang ipinagbigay-alam ni Benitez sa kanyang mga superior ang pangyayari.

Sinabi naman ni Jose Patron, kapatid ng biktima na sumalubong sa NAIA, na nasa Estados Unidos ang pamilya ng biktima at dadalaw lang ito sa kanila sa Pilipinas nang mangyari ang insidente. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply