Fil-Aussie bagong mid-weight champ

NASUNGKIT ni Fil-Aussie fighter Heath “The Heat” Ellis ang Australian at Victoria State middleweight title matapos magtamo ng unanimous eight round decision laban kay Benny “Rocky” Horra sa Town Hall sa Malvern, Victoria.

Sina Ellis at Horra ay kapwa kinaltasan ng tig-1  puntos ni referee Ignatius Missailidis.

Pinarusahan si Ellis matapos humawak sa kalaban habang si Horra ay hinagupit din nang manapak sa batok.

Ayon kay Maniatis, ang 22-anyos na si Ellis ay mas nangibabaw kay Horra kaya hindi ito nahirapang manalo.

Ang lahat ng three judges ay pumasok kay Ellis. Nagtala si judge Bryan Membrey ng 75-74 habang si Aneeka Williams ay 77-71 at si Andrew Campbell ay 75-73.

Si Ellis na isang Pinay ang ina ay sariwa pa sa 4th round KO win laban kay Steve Maxwell sa isang IBF Pan Pacific at WBC Asian Boxing Council welterweight title fight noong Abril 9.    Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply