Fil-German buhay pa sa Women’s Circuit

Patuloy sa pagkinang si Katharina Lehnert sa ikalawang linggo ng International Tennis Federation-sanctioned tournament.

Isang semi-finalist sa ICTSI-ITF Women’s Circuit Week 1, ang Fil-German netter ay umabanse sa quarterfinal round ng ITF Women’s Circuit Week 2 matapos sikwatin ang walang kahirap-hirap na 6-2, 6-1 win laban kay Ofri Lankri ng Israel, 6-2, 6-1, sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang 16 taong gulang na si Lehnert na ang ina ay taga-Rosario, La Union ay nakatakdang humarap kay sixth seed Yasmin Schnack sa quarterfinal round encounter habang isinusulat ito.

Si Schnack ay una nang pinabagsak si Kim Ji Young ng South Korea, 6-2, 6-2.

Napag-alaman na si Lehnert ay isa sa mga malalakas na kandidatong kakatawan sa bansa sa mga international tournaments sa hinaharap.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply