Firecrackers ban nilinaw

UMAPELA ang Ecowaste Coalition sa Department of Health (DOH) na i-update ang “black list” nito ng mga ipinagbabawal na paputok,bilang maagang paghahanada na rin sa holiday season.

Sa liham na ipinadala ng grupo kay  Health Secretary Enrique Ona, hiniling ng EcoWaste Coalition sa DOH na isama sa mga inilagay nito sa “black list” ang ilan pang paputok na lubhang delikado.

Kabilang dito ang atomic big triangulo, piccolo, kwitis, lucis, five-star, PVC bazooka, at cannon o guns.

Base naman sa  listahan ng Philippine National Police, na inilabas noon pang 2007 kasama sa mga ipinagbawal na paputok ay ang  Lolo Thunder, Super Lolo, Bawang (large), Pla-pla, Watusi, Kwiton, Giant Whistle, sinturon ni hudas, Og,  at Atomic Bomb.

Hiniling din ng grupo kay Ona ang pagbibigay ng babala sa publiko hinggil sa masamang epekto ng mga paputok sa kapaligiran, at sa halip ay maglabas ng health advisory hinggil sa noise pollution bunga ng mga malalakas na paputok.

Kabilang na rin ang pagsusulong na maideklara ang mga simbahan,eskwelahan, ospital, zoo at palengke bilang mga  “silence zones,” kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaputok. Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply