Flashflood at landslide ibinabala: Cold Front magdudulot ng pag-ulan sa Eastern Luzon

NAGBABALA ang weather forecaster na maaaring magdulot ng pag-ulan ang nararanasang cold front dala ng Christmas weather sa bansa na maaaring maging sanhi ng flash floods at landslides sa ilang parte ng Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) maaaring maapektuhan ang ilang parte ng Luzon na pinutol na ang mga puno na sasanggalang sa pagbaha.

“Apektado ang buong Northern at Central Luzon sa paglapit ng cold front. Magdudulot ito sa lugar ng madalas na maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na maaring maging malawakang pag-ulan sa bandang silangan. At maaring maging dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo kung ilang araw ang pagbuhos ng ulan dito,” ayon kay PAGASA forecaster Elvie Enriquez sa isang panayam sa radyo.

Maaapektuhan ng cold front ang Northern at Central Luzon na magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat, at maaari ring magdulot ng pag-ulan sa parteng Silangan.

Pinaalalahanan din ni Enriquez ang mga residente na malimit mabaha ang lugar na mag-ingat lalo na ang mga lugar na wala nang mga punong magsasanggalang sa baha.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply