Foreign loans ng Arroyo govt gustong himayin ni Cayetano

Gustong busisiin at ilantad sa publiko ni Sen. Alan Peter Cayetano ang lahat ng utang panlabas ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Cayetano, dapat na ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga nasabing impormasyon upang makatiyak na walang “sweet deals” o anomalya sa foreign loans ng bansa lalo na sa mga huling taon ng pamamalagi ni Arroyo sa Malacañang.

“I don’t have the exact funds yet but I am looking forward to it. I hope that DBM together with the other members of the Budget Coordinating Council will present a list of all foreign loans especially the ones entered in the last three years,” ani Cayetano.

“It would brief us because ang nangyayari ngayon ay nagkakaroon ng mindset na parang utang natin lahat ito at dapat bayaran na lang,” dagdag pa niya

Ayon pa sa senador, maisusulong ang accountability at transparency kung maihahayag ang mga detalye ng foreign loans sa ilalim ng dating pangulo.

“We should remember ‘yung malalaking eskandalo ng Arroyo administration. Halimbawa ay ang NBN-ZTE [loan],” aniya.

May kapangyarihan ang Kongreso, partikular ang Senado na silipin at repasuhin ang mga kasunduang pinasok ng nakaraang administrasyon, pati na ang nakuhang foreign loan ni Arroyo ngayon para sa kanyang distrito sa Pampanga, ayon kay Cayetano.

“[M]ismong ang chairman ng House Committee on Appropriations at pati na ang DPWH [Department of Public Works and Highways] secretary ang nagsabing may nakita silang parte ng proyekto [sa distrito ni Arroyo] na unnecessary,” ani Cayetano.

“Alam mo ‘yung foreign loan, hindi naman ‘yan nakasulat sa bato.  There are procedures wherein we can amend or take out some of its parts,” dagdag pa niya.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply