Fuel supply sa labas ng NCR magkakaproblema

NAGBIGAY ng babala ang oil firm official na maaapektuhan ang fuel supply sa mga lugar sa labas ng National Capital Region (NCR) makaraang ipagpatuloy ang pagpapasara ng First Philippine Industrial Corp.’s pipeline dahil sa gas leak na higit na mararamdaman sa susunod na linggo.

Ayon kay  Shell Philippines spokesman Roberto Kanapi, mahihirapan silang maipagpatuloy ang kanilang emergency operations dahil sa patuloy na pipeline shutdown dahil ang mga tankers at pasilidad na ginagamit para makapag-supply sa Metro Manila ay nagagamit na rin ngayon sa iba pang lugar partikular sa labas ng NCR.

“Now it’s beginning to impact on us because of the extended closure of the pipeline…. Even other areas (outside Metro Manila) can be impacted by next week if these resources are not brought back for use,” ayon kay Kanapi sa isang interview sa radyo.

“We can already foresee we will have issues if this is not resolved very soon. We are very concerned about the integrity of the pipeline,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Kanapi, hanggang apat na araw lamang ang paghahanda nila para makapagpatuloy ng operasyon kung kaya’t magdudulot umano ng problema ang patuloy na pagpapasara sa naturang pipeline.
Sinabi ni Kanapi na hindi pa pinapayagan ng Makati City government para muling mabuksan ang pipeline, na nagdadala ng fuel galing sa refineries ng Shell at Chevron sa Batangas papunta sa mga depots sa Manila.

Idiniin pa nito na ang mga trucks na ginagamit nila upang madala ang mga fuel galing Batangas papuntang Manila ay ang ginagamit nila upang makapag-deliver sa mga lugar sa labas ng NCR.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply