Gabby, hindi na umaasa na matutuloy ang reunion movie nila ni Sharon

HINDI na nga umaasa pa itong si Gabby Concepcion na matutuloy pa ang kanilang reunion movie ni Sharon Cuneta.

Halos hindi na mabilang ang mga pelikulang nagawa nila ni Shawie at halos lahat ng kanilang pelikula noon ay pawang blockbuster.

Masaya naman si Gabby ng mabalitang gagawa sila ng project together ni Sharon at hindi naman siya tututol dahil bukod sa dati niyang minahal si Shawie ay ina pa ito ng kanyang panganay na si KC Concepcion.

Kaya hindi daw imposible na tumanggi si Gabby para makasama si Sharon sa isang pelikula.

Pero sa pagdaan ng panahon ay tila lumalabo na at parang imposible na magsama pa sila sa iisang pelikula ng dating misis.

Alam naman ng kampo ni Gabo na umiiwas itong si Sharon na makasama siya pero nakikiusap naman ang kampo ni Gabo na pagbigyan ang kahilingan ng ama ni KC.

Kahit isang pelikula daw at kahit maghintay pa si Gabby sa mahabang panahon basta matutuloy ang project na magsasama sila ni Sharon ay handa si Gabo na magtiiis na maghintay.

Sa ngayon ay para raw isa na lang daw panaginip itong magsama sa iisang pelikula itong sina Gabo at Sharon.

At malabo na daw ito at wala nang kalinawan pa na magsasama sila sa iisang pelikula o kahit na anong project.

Naghihintay na nga lang si Gabby ng basbas o signos ng Diyos kung ibibigay pa sila ni Sharon sa iisang pelikula. At kung hindi daw ipahintulot, ay wala siyang magagawa.

‘Yun na!

BAD PUBLICITY SA KALAGAYAN NG KALUSUGAN NI PIDOL IPINATITIGIL

Nakikiusap nga ang pamilya ni Dolphy na tigilan na ang bad publicity sa kanilang ama dahil mismo nga raw mga kamag-anakan sa abroad ay nag-aalala din sa mga balitang malala si Pidol.

Wala daw katotohanan ang mga balita na ‘yun at ang ikinaloka pa ng pamilya ay itong need na daw kausapin ang mga mahal sa buhay na nasa abroad kaya naman naligalig ang kamag anakan ng Quizon sa abroad.

Bakit daw ganun ang nasusulat na para raw nagpapaalam na raw si Pidol samantalang napakalakas pa nito hanggang ngayon.

Pinabulaanan din ng kampo ng pamilya Quizon na nagte-taping daw si Pidol na nakaupo na lang dahil sa kondisyon nitong sakit na nararamdaman.

Samantala, hindi naman daw malala ang sakit ng matandang Quizon na si Dolphy kaya nagugulat ang pamilya Quizon sa mga naglabasan na balita.

Bilang paglilinaw ng pamilya Quizon na hindi naman daw ganun kalala ang sakit ni Pidol at malakas na malakas ito.

Kaya pakiusap ng kampo ni Pidol na tigilan na at tantanan na ang mga pagbabalita sa kundisyon ng kalusugan ng comedy king.

Dahil gravecious daw sa pagiging masigla, malusog at malakas ang pangangatawan ni Dolphy.

‘Yun na! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply