GANTI (Ika-29 labas)

PASIMPLENG  nagpalinga-linga si Bogart habang nagmamaneho. Naghahanap ng motel o otel sa dinaraanan.

Pilyong napangiti ang binata sa sumunod na sandali.

Maya-maya’y  biglang iniliko ang kotse papasok sa isang compound.

“M-Motel ito, ah! Bakit dito tayo nagpunta? Ano ang gagawin natin dito?”  gulat na tanong ni Rowena.

“Ano ba ang ginagawa ng isang babae at isang lalaki sa motel?” nakangiting ganting tanong ni Bogart.

“Loko ka, ha! Bakit, girlfriend mo ba ako at ang lakas ng loob mong dalhin ako rito? Manligaw ka muna, oy!” mataray na sabi ng dalaga.

“Tagal pa nu’n! Basta’t ang alam ko, gusto kita at handang panagutan anuman ang mangyayari sa atin dito,” sagot ng binata at tuloy-tuloy na ipinasok ang kotse sa garage room ng motel.

Ini-expect ni Bogart na magkakahilahan sila ni Rowena bago ito mapababa sa sasakyan pero nagulat siya nang mauna pang bumaba ang dalaga.

“Gusto mong magkaroon ng problema, bahala ka!” sabi ng babae at nauna pang umakyat ng hagdanan ng motel.

Nagkakamot ng ulong kasunod si Bogart. Pagdating sa itaas, hinintay siya ng dalaga. Ang lalaki na ang kumuha ng VIP room para sa kanilang dalawa.

Nag-iisip ang binata habang patungo sila sa kanilang room.

Hindi na siguro donselya si Rowena kaya ang lakas ng loob na sumama sa kanya. Nabawasan tuloy ang sexual driver niya. Nabawasan ang takaw kumbaga.

Hanggang sa makapasok na sila sa kanilang kuwarto. Impress ang dalagang tv reporter sa ganda ng silid. Malinis, mabango, may tv set, table para sa pagkain at portable ref.

Nang buksan niya ito, may lamang ilang canned beer at juice.

“Parang bahay ang kuwartong ito. Ang ganda,” sabi niya.

“Ikuha mo nga ako ng beer,” request ng binata sa dalaga.

Kumuha ng dalawa si Rowena.

Tig-isa sila.

“Sino’ng nakauna sa iyo?” tanong ni Bogart matapos sumimsim ng beer.

“A-Ano’ng nakauna?” kunot-noong tanong ng babae.

“Ang ibig kong sabihin sa iyo, kung sino ang unang nakadyug sa iyo!”

Biglang pinandilatan ni Rowena si Bogart.

“Gago! At second hand na pala ang tingin mo sa akin, ha!” nakapamaywang na sabi ng dalaga. “Virgin pa ito, no!”

“R-Really?”

“Handa kong patunayan iyan sa iyo!” matatag na sagot ng dalaga.

Muling sumigla ang appetite ni Bogart. Ginanahan tuloy siyang uminom. Nang maubos ang isang bote ng canned beer, kumuha ulit siya ng isa pa. Umingos ang dalaga.

“B-Bakit?” tanong ng binata.

“Proven daw na na hindi magandang uminom ng beer lalo na at marami before sex,” sagot ni Rowena.

“Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Nakakabawas daw ng erection!”

Ang lakas ng tawa ni Bogart.

“Saan mo naman napulot ang ideyang iyan?” maya-maya’y tanong ng binata.

“Nabasa ko sa mga sex books!”

“E, ano pala ang ideal na inumin?”

“Brandy!”

“Natutuwa ako sa iyo. Kung magsalita’y parang beterana ka na sa kama,” natatawa pa ring sabi ni Bogart.

“Well educated lang ako,  palabasa at nanonood ng mga x-rated tapes. But physically, wala pa akong sexperience. Beso-beso nga lang ang alam kong kissing. Hindi ko pa nararanasang mahalikan sa lips,” sagot naman ni Rowena.

“Kung gayun, tamang-tama lang na sumama ka sa akin dito. Paglabas natin dito, madagdagan ang iyong kaalaman physically and mentally,” masayang sabi ni Bogart.

Hindi nagsalita ang dalaga.

Nakatingin sa namumukol na harapan ng binata.

“How big is that?” maya-maya’y tanong ni Rowena.

“Nagtanong ka pa! Ibang klaseng virgin ka talaga,” napapakamot sa ulo na sabi ni Bogart.  Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply