GANTI (Ika-28 labas)

HINDI pa natatagalang nakakauwi sa kanilang bahay si Bogart nang lumapit sa kanya ang bagets na kasambahay.

“May bisita ka, kuya,” nakangiting sabi nito.

“S-Sino?”

“Isang magandang dalaga!”

Dahil sa narinig, hangos na tinungo ni Bogart ang pintuan.

Nadatnan niya sa labas si Rowena.

Walang dalang kamera …

Ang ganda-ganda niya sa suot na mini-skirt at hanging shirt na pang-itaas.

Ang bango-bango pa.

Revealing ang taglay na alindog.

“Ngayon mo na ba ako iinterbyuhin?” nakangiting tanong ng binata.

Biglang sumimangot ang dalaga.

“Sabi mo, magdi-date muna tayo bago magpainterbyu!” ingos ng babae.

Natawa si Bogart.

“Okey! Pero kumain muna tayo bago umalis. Naghanda kasi ang mother ko sa pagbabalik ko. Baka magtampo iyon kapag hindi ko tinikman ang niluto niya,” sabi ng binata.

Hinawakan ng lalaki sa palad ang tv reporter at hinila papasok sa loob ng bahay.

Akala tuloy ng parents niya, syota niya si Rowena.

Dumulog na sila sa mesa na puno ng masasarap na pagkain.

Kumakain na sila nang biglang magdayalog ang mother ni Bogart.

“Nasa tamang edad ka na, iho. Tama na ang kalokohan. Lumagay na kayo sa tahimik ng nobya mo,” sabi ng matandang babae at hinarap si Rowena. “Iha, pikutin mo na nga ang gagong iyan!”

Gulat na napanganga ang dalaga …

Natawa naman ang binata na naisipang magbiro.

“Wala pa sa plano namin ng sweetheart ko ang paglagay sa tahimik. Mag-uusap muna kami,” sabi niya.

Biglang kinurot ni Rowena sa tagiliran si Bogart.

“Bilisan ninyo ang pag-uusap dahil sabik na akong magkaroon ng apo,” sabad naman ng father ng binata saka malakas na tumawa.

Pulang-pula ang mukha ng tv reporter habang tigas na katatawa naman ni Bogart.

Inis na inis ang dalaga sa binata nang umalis na sila lulan ng kotse ng huli.

“Gago ka, ha! Bakit hindi mo sinabi sa parents mo na hindi tayo magkasintahan? Napagkamalan tuloy ako na nobya mo!” sabi ni Rowena at muling kinurot sa tagiliran si Bogart.

Nagpahaging ang lalaki sa babae.

“Ang suwerte ko siguro kapag ikaw ang naging nobya ko. Kung sakali na ligawan kita, may pag-asa kaya ako?” tanong niya sa tv reporter.

“Depende!” sagot naman ng dalaga.

“Ano’ng depende?”

“Kung sure ka na wala ng punong kahoy na tutubo sa likod mo!” sagot ni Rowena saka malakas na tumawa.

“Hindi na babalik iyon. Istorya na lang ngayon ang punong tumubo sa likod ko. Paano, ‘di may pag-asa pala ako sa iyo?” nakangiting baling ng binata sa dalaga.

“Kakainis!” biglang sabi ni Rowena pero anyong kinikilig. “Ako pa ang sumundo sa iyo para ligawan mo.”

Hindi umimik si Bogart nang mahalatang type rin siya ng tv reporter.

Iba na ang takbo ng isip niya ….

Idederetso niya sa motel ang  dalaga.

Mahabang panahon na rin siyang hindi nakakapaglinis tubo at naiisip niyang ngayon na ang tamang pagkakataon.

Pero seryoso siya ngayon hindi tulad noon na palipasan lang sa kanya ang babae.

Handa niyang panindigan anuman ang mamagitan sa kanila ni  Rowena.

Desidido siyang ihatid sa harap ng dambana ang dalaga. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply