GANTI (Ika-30 Labas)

NAKISAKAY na si Bogart sa kalukadikahan ni Rowena.

“Ano ba’ng size ang gusto mo? Small, medium, large or extra large?” nakangiting tanong ng binata habang naghuhubad.

“May choice ba ako? Liban na lang kung bago ko mahalin ang isang lalaki ay hihilingin ko sa kanya na ipakita muna sa akin ang baton niya!”

“Paano kung small lang ang taglay ng lalaki na mapili mong mahalin?”

“Okey lang! Pagtitiisan ko na lang kung ano meron siya!” game na tugon ni Rowena.

“Paano kung extra large?”

“Bongga!” sagot ng babae sabay bungisngis.

Biglang hinubo ni Bogart ang kanyang pantalon.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa nakita. “O-Oh my God! Totoo ba iyan?”
hindi makapaniwalang sambit ni Rowena sabay iwas ng paningin.

“Any comment? Para kang tumama ng three hundred million dito sa alaga ko, babes,” pagmamalaki ni Bogart.

Biglang nagmura ang dalaga.

“Lintik ka! Masasaktan ako riyan! Pakasalan mo muna ako bago ako maospital!” sabi ng babae.

Tinabihan ng binata ang babae.

“Masasaktan ka kung tanga sa kama ang makaka-partner mo. Pero kung sexpert, safe na safe ka,” boladas ni Bogart.

Hindi tumitingin na umungol si Rowena …

Nagsimulang painitin naman ng lalaki ang babae …

Hinalik-halikan ito sa buhok …

Sa pisngi, sa batok at sa leeg ….

“N-Nakikiliti ako, Bogart,” nakapikit na daing ng dalaga.

Hindi nagsalita ang binata …

Kumilos na rin ang isang kamay ….

Parang malikot na ibon na kung saan-saang parte ng katawan ni Rowena dumapo.

“B-Bogart naman,” daing ng dalaga na kahit saan pumuna ang palad ng binata ay hinahabol ng kamay niya.

Pero hinahawakan lang at hindi naman inaawat.

Meaning nagugustuhan niya ang ginagawa ng lalaki.

Habang mistulang panabong na manok na hinihimas, dahan-dahang hinuhubaran ni Bogart ang tv reporter.

Panay lang ang kislot nito pero hindi naman tumututol ….

Hanggang sa tulad ni Bogart ay nakabomba na siya.

Binitiwan ng binata ang dalaga para mapiktyuran nang husto ang kabuuan ni Rowena.

“Hanep! Body beautiful ka pala, Rowena. Hindi bagay sa iyo ang maging tv reporter. Ang dapat sa iyo ay modelo ng mga panty at bra o kaya ay bold dancer sa beerhouse,” palatak ng binata.

Sa puntong ito biglang nagmulat ng mga mata si Rowena.

Saka pa lang niya napunang wala na pala siyang kasaplot-saplot sa katawan.

“O-Oh my God!” sambit ng dalaga habang hindi malaman kung paano tatakpan ang maseselang parte ng kanyang katawan.

“Magtatakip ka pa, nakita ko na!” tumatawang sabi ni Bogart.

Nakahagilap ng unan ang dalaga ….

Ito ang ginawang pangkober sa hubad na katawan.

Muli ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang baton ng binata.

“Ano ba iyan? Malaki na nga kanina tapos ay nadagdagan pa!” paiyak na reklamo ni Rowena.

Natatawa na tinangkang alisin ni Bogart ang una na yakap ng dalaga …

Ayaw ibigay …

Naghilahan sila …

Kung sa basketball, hindi makapasok sa unahan ang binata dahil mahigpit ang guwardiya …

‘Di sa tagiliran siya dumaan …

Shock ang dalaga nang may maramdamang mainit at matigas na bagay na dumikit sa kanyang tagiliran.

“AAAAAH … SAKLOLO … HINOHOLDAP AKO!” malakas na sigaw ni Rowena. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply