GANTI (Ika-36 labas)

“WALA na ang tinik sa aking lalamunan. Kahit ano ngayon ang gawin ko, wala ng kokontra,” masayang sabi ni Aling Dolores habang mag-isang umiinom ng alak.

Maya-maya’y kinuha niya ang larawan ni Aling Pilar.

“Kahit malimit tayong magkabangga noong nabubuhay ka pa, magkapatid pa rin tayo. Durugtungan ko ang iyong paghihiganti. Dugo sa dugo na ang labanan. Kahit walang kinalaman basta’t may relasyon sa mga taong umapi sa inyong mag-ina ni Alexandra, parurusahan ko sa pamamagitan ni Bogart,” malupit ang ngiti sa mga labi na sabi ng mangkukulam.

Sa burol ni Lola Agueda, tahimik na nagpaplano sa isang tabi ang binata.

Ngayong mag-isa na lang si Helen, kukupkupin niya.

Sa pagbukod nila ni Rowena kapag kasal na sila, isasama niya ang dalagita.

Tumagal lang ng dalawang araw ang lamay sa bangkay ni Lola Agueda at ipinalibing na ni Bogart.

Matapos ito, kinausap niya si Helen.

“Mahihirapan kang mamuhay nang mag-isa rito, Helen. Mabuti pang sumama ka na sa akin,” kumbinsi niya sa dalagita.

“Sasama ako sa iyo, kuya pero dadalhin ko ang mga gamit ni Lola,” sagot naman ni Helen. Pumayag si Bogart.

Mga importanteng aklat at mga gamit about witchcraft ang tinutukoy ng dalagita.

Naisip ng binata na pabor din ito sa kanya.

Madaragdagan ang kaalaman niya sa pamamagitan ng aklat na itim na iniingatan ni Lola Agueda.

Karunungang itim ang pag-aaralan niya pero hindi sa masama niya gagamitin kundi para kontrahin ang kasamaang idudulot nito.

Hindi na nagulat ang mga magulang ng binata nang dumating sa bahay nila na kasama si Helen.

Bago kasi niya ginawa ito, na-inform na niya ang kanyang parents.

“Mula ngayon ay dito ka na titira, Helen. Ituring mong parang sarili ang bahay na ito,” sabi niya sa dalagita.

Nang naayos na ang paglipat ng dalagita, inasikaso naman ni Bogart ang pamamanhikan sa nobyang tv reporter.

Isinama niya ang mga magulang sa bahay ng dalaga para maayos na ang schedule ng kanilang kasal.

Okey na ang pakiramdam ni Rowena.

Wala ng pain na iniinda.

Bahaw na ang sugat niya.

Maganda na ang ngiti niya nang humarap sa parents ni Bogart.

Maayos naman ang naging pag-uusap ng magkabilang panig.

At itinakda ang araw ng kanilang kasal two months after.

Habang hinihintay ang pagdating ng araw ng kanilang kasal, kapag walang ginagawa ay nagbabasa siya ng aklat na itim …

Hindi rin niya nakakaligtaang basahin ang aklat na kulay puti ang cover.

Kapag may hindi siya maunawaan, itinatanong niya kay Helen.

Natutuwa siya sa natutunan …

At sa konting praktis, nagagawa na niyang utusan ang hangin …

Nakapagpapagalaw ng mga bagay na nakapatong para lumipat sa ibang lugar.
Nakakalikha na rin siya ng apoy sa palad at nagagawang ibato sa target patamaan.

Isa na ngayong ganap na sorcerer si Bogart pero ang bagay na ito ay lihim na lihim sa mga magulang.

Tanging sila lang ni Helen ang nakakaalam ng taglay na kapangyarihan ng isa’t isa.

Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang kasal ni Rowena.

Engrande ang wedding ng dalawa …

Ilan sa mga executives ng tv station na pinagtatrabahuhan ng dalaga ang ninong at ninong.

Mga negosyante na kumpare at kumare naman ng father ni Bogart ang iba.

Sa isang simbahan sa greenhills ginanap ang kasal habang sa isang Five Star Hotel naman sa Makati ang reception.

Nang matapos ang kasal, masayang ipinagbunyi ng mga tao ang bagong kasal habang palabas ng simbahan.

Kumpleto sa pamahiin ang kasal ng dalawa.

May nagsabog ng bigas at bulaklak sa kanila para maging maunlad kuno ang kanilang pagsasama.

Nang makalabas na sina Bogart at Rowena, hindi inaasahan ng una ang hindi inaasahang panauhin na naghihintay sa labas. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply