GANTI (Ika-38 labas)

HINDI maganda ang kinalabasan ng kasal nina Bogart at Rowena.

Masaya ang umpisa pero nauwi sa malagim.

Tigas na iyak ng bridesmaid.

Wala namang magawa ang groom.

Nilapitan ni Helen si Bogart.

“Malakas ang kutob ng loob ko na may iba pang gagawin ang babaeng iyon, kuya. Kailangang paghandaan natin,” sabi ng dalagitang apo ng napatay na maestra ng mga mangkukulam.

“Akala ko ay nagmamalasakit sa akin si Aling Dolores pero hindi pala,” malungkot at pailing-iling namang sabi ni Bogart. “May iba pala siyang plano. Gusto niyang matulad ang kapalaran ko sa sinapit ng kanyang kakambal na si Aling Pilar.”

“Nalason na ng kasamaan ang kanyang isipan at nawala na rin ng puwang ang kabutihan sa kanyang puso.
Hindi ka na dapat pang magtiwala sa kanya, kuya,” payo ni Helen.

Saglit na nag-isip ang bagong kasal.

“Eksperto na sa larangan ng pangkukulam si Aling Dolores at baguhan lang tayo. Kung lalabanan natin siya, kakayanin kaya natin?” baling ni Bogart sa dalagita.

“Hindi ko alam, kuya. Ang tanging nalalaman ko, kailangan nating lumaban,” sagot naman ni Helen.

Hindi na kumibo ang lalaki.

Nilapitan niya ang nangingipuspos na asawa.

Awang-awa siya kay Rowena.

“Ituring na lang nating isang masamang panaginip ang pangyayaring ito. Makakaraos din tayo,” sabi ng lalaki.

“Araw ngayon ng ating kasal. Paano ko ito makakalimutan?” luhaang sagot naman ng asawa.

“Tutulungan kitang makalimot!” sagot naman ni Bogart.

Naka-schedule sila na pumunta ng Hongkong para doon isagawa ang kanilang honeymoon pero ayaw nang tumuloy dito ni Rowena.

Nawalan na siya ng gana.

Kung anuman daw ang gagawin nila sa Hong Kong, puwede rin nilang gawin ni Bogart sa ‘Pinas kaya dito na lang sila magha-hanimun.

Hindi na rin sila nag-otel.

Sa bahay na lang ng mga magulang ni Bogart sila dumeretso pagkagaling sa reception.

Pagdating nila sa bahay, hindi na tinigilan ng lalaki ang asawa.

Pagkapasok nila sa kanilang kuwarto ay kaagad niyang niromansa.

Layunin niyang alisin sa isipan ni Rowena ang malagim na nangyari kanina.

Pero kahit ano’ng klaseng pagpapainit ang gawin niya sa magandang asawa, nanatiling dry ang babae.

Magkakatulong nang nagtrabaho ang kanyang mga kamay, labi at dila pero hindi nagawang pag-initin ang nagyeyelong damdamin ni Rowena.

Napagod si Bogart …

Yakap ang asawa na naisipan na lang niyang matulog.

Sa mga sandaling iyon, naglalamay si Aling Dolores.

Nakapikit …

Tuloy ang pag-usal ng mga hindi maunawaang dasal …

Maya-maya’y gumawa siya ng suob …

Umalingasaw ang naghalong amoy ng nasusunog na kamanyang, insenso at iba pa …

Kasunod nito, isang manyika na anyong babae ang itinapat niya sa nalikhang usok …

Kasabay nito ang pag-alingawngaw ng malakas na halakhak ng babae.

Tulog na si Rowena sa mga sandaling iyon pero dahan-dahang bumangon …

Masarap na rin ang tulog ni Bogart kaya hindi niya namalayan ang pagbangon ng asawa.

Naglakad nang tulog ang babae …

Lumabas siya ng kuwarto …

Deretso sa ibaba …

Tumawid sa salas …

Dahil pati kasambahay ay napagod sa ginanap na kasalan, walang nakamalay sa paglalakad nang tulog ni Rowena.

Lumabas siya ng bahay at nagtuloy-tuloy sa lansangan …

Nakasuot lang siya ng manipis na negligee kaya makatawag pansin ang makinis at magandang hubog ng kanyang katawan. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply