GANTI (Ika-39 labas)

ANG daling nakatawag ng mga demonyo ang katakam-takam na alindog ni Rowena.

Isang van na kinalululanan ng anim na lasing na kabataan ang lumampas sa kanya pero biglang tumigil ilang metro lang ang layo.

“Nakita ba ninyo ang nakita ko?” tanong ni Patrick.

“Ano ang akala mo sa amin, bulag?” sagot naman ni Jordan.

“Multo!” sabi naman ni Morgan.

“Gago! Sleepwalker ang bebot na iyon pero ang ganda!”  sabad ni James.

“Sayang iyon! Sarap gawing parausan ng babaeng iyon,” sabi naman Bart.

“Kung gayun, bakit hindi natin damputin?” suhestiyon naman ni Drigo.

Biglang iniatras ni Patrick ang van.

Tuloy sa marahang paglalakad si Rowena.

Walang kamalayan at walang pakialam sa kanyang paligid.

Sa puntong ito siya biglang sinambilat ng mga bangag na kabataan na uhaw sa seks.

Saka pa lamang biglang nagising si Rowena.

Gimbal siyang nagsisigaw habang lulan ng humahagibis na sasakyan ng anim na kabataan.

Sa puntong ito biglang nagising si Bogart.

Gulat siya nang mapunang wala sa kanyang tabi ang asawa.

Mabilis siyang bumangon at tiningnan si Rowena sa banyo ….

“Saan kaya siya nagpunta?” tanong niya sa sarili nang hindi makita rito ang kabiyak ng dibdib.

Lumabas siya ng kuwarto at bumaba sa salas …

Deretso siya sa kusina pero hindi rin niya nakita rito si Rowena.

Wala naman siyang mapagtanungan dahil tulog na ang lahat ng tao sa kanilang bahay.

Nang mapuna niyang bukas ang pintuan …

“ROWENA, NASAAN KA?” tawag niya habang palinga-linga sa malawak na bakuran.

Naglakad siya patungo sa gate at nakita niyang nakabukas ito …

Sigurado siya na lumabas dito ang asawa …

Hangos siyang lumabas at tumanaw sa magkabilang kalye …

Ni anino ng asawa ay hindi niya makita.

Kinabahan na nang husto si Bogart.

Hangos siyang bumalik sa loob ng bahay …

Nakita niyang pababa ng hagdanan si Helen.

Nagising ang dalagita dahil sa pagsisigaw ni Bogart.

“Bakit, kuya? Ano ang nangyari?” tanong ng dalagita.

“A-Ang Ate Rowena mo, nawawala. Hindi ko alam kung saan nagpunta!” pawisang sagot ng una.

Hangos na nagtungo sa kusina ang apo ng maestra ng mga mangkukulam.

Kumuha ng malaking planggana at pinuno ng tubig …

Maya-maya’y may ipinatak siya rito ng isang uri ng likido saka hinalo nang hinalo hanggang sa lumabo ang
tubig.

Nang luminaw, nakita nila rito ang isang humahagibis na van patungo sa dereksiyon ng Cavite.

“Nakasakay dito si ate, kuya,” biglang baling ni Helen kay Bogart.

“I-Iniwan niya ako nang walang paalam. Imposible na gawin niya iyon sa akin,” sagot ng lalaki.

“Hindi ka niya iniwan, kuya. Dinukot siya ng anim na lalaki!”

“P-Paano nangyari iyon? Katabi ko siya sa pagtulog!” hindi makapaniwalang sabi ni Bogart.

“May kapangyarihan na nag-utos sa kanya para maglakad nang tulog at lumabas ng bahay. Dito siya naraanan ng van ng mga suspek at tinangay!”

Biglang sumiklab ang galit ng lalaki.

“Si Aling Dolores lang ang puwedeng gumawa sa akin nito. Magbabayad siya sa akin. Papatayin ko siya oras na may masamang mangyari kay Rowena!” nagpupuyos sa galit na sabi ni Bogart.

“Huwag mo munang pairalin ang galit, kuya. Ang importante ay masagip natin sa kapahamakan ang asawa mo,” payo ni Helen.

Noon din ay gumayak ang dalawa at humanda sa mahabang pagbibiyahe.

Walang nakamalay sa bahay nang umalis sina Bogart at Helen lulan ng kotse ng una.

Habang mabilis na nagbibiyahe, biglang sumilid sa isipan ng lalaki ang kanilang kapusukan sa panahon ng kanilang kabataan.

Anim sila na dumukot at nagpasasa sa katawan ni Alexandra hanggang sa mamatay.

Ngayo’y anim din ang dumukot sa kanyang asawa.

Hindi imposible na ang sinapit ng anak ni Aling Pilar ay sapitin din ni Rowena.Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply