GANTI (Ika-40 labas)

“P-PANGINOON, huwag mo pong idamay ang asawa ko sa mga kasalanan na nagawa ko. Ako na lamang po ang parusahan ninyo,” lagim na usal ni Bogart habang mabilis na nagmamaneho.

Si Helen ang nagsilbing navigator ng lalaki …

Mariin siyang nakapikit at matiim na nagko-concentrate para masundan ang bakas na dinaanan ng mga tumangay kay Rowena.

“N-Napakalayo na nila, kuya. Masusundan natin sila pero hindi na aabutan,” sabi ng dalagita.

“Ang importante, malaman natin kung nasaan sila. Kailangang matulungan natin si Rowena,” sagot naman ng binata.

Nagpatuloy sila sa pagbibiyahe.

Pero makalipas ang ilang oras at biglang nagmulat ng mga mata si Helen.

Nag-iiyak …

“B-Bakit?” takang tanong ni Bogart.

“H-Huli na ang lahat, kuya. Hindi na natin matutulungan si ate,” luhaang sagot ng dalagita.

“Ano ang ibig mong sabihin?” nanlalaki ang mga matang tanong ng lalaki.

Hindi nagsalita si Helen …

Tuloy ang pag-iyak.

Mabilis na dinakot siya sa magkabilang balikat ni Bogart.

“Magsalita ka! Ano ang nangyari sa asawa ko, Helen?” nagpapanik na niyang tanong.

Ganito ang senaryong nakita ng dalagita pero hindi magawang sabihin sa lalaki.

Walang kasaplot-saplot si Rowena na tumatakbo sa dalampasigan.

Habol ng anim na dumukot sa kanya na pawa ring hubo’t hubad.

Unahan sila sa paghabol sa babae …

Ang premyo sa unang makakahuli kay Rowena, siya ang unang aangkin sa alindog nito.

“BOGART SAKLOLOOO … TULUNGAN MO AKO!” palahaw ng babae pero nilalamon lamang ng tunog nang paghampas ng malalaking alon sa dalampasigan.

Dahil sa pagod, nadapa ang babae …

At bago siya nakabangon, inabutan na siya ng unang lalaki na mabilis tumakbo.

Sa kanyang binagsakan, dito nila sinimulang ilugso ang kanyang kapurihan.

May humawak sa kanyang mga kamay para hindi siya makapanlaban …

May sa dalawang paa naman niya nakabukaka nakahawak para malayang makapuwesto sa kanyang ibabaw ang lalaki na unang aangkin sa kanya.

Halinhinan nilang pinagsamantalahan si Rowena …

Nakatatlong lipos sila …

Pinagsawaan nila nang husto ang maalindog na katawan ng tv reporter …

Nang makaraos sila, hindi na nila inintindi kung buhay pa o patay na ang babae …

Basta na lang nila iniwan ang duguang biktima …

Habang mabilis na papalayo sa crime scene, nakasalubong pa nga nila ang kotse ni Bogart.

Galit nilang sinigawan at dinuro ang lalaki …

“TADO KA! HUWAG KANG ISTORBO SA DARAANAN NAMIN KUNG AYAW MONG MADISGRASYA!” sigaw ni Patrick.

Walang panahong makipag-away kaya hindi pinansin ni Bogart ang una.

Pero hindi sila nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Helen.

“A-Ang mga lalaking iyon … sila ang tumangay kay Ate Rowena at sa van na iyon nila isinakay,” sabi ng dalagita.

Biglang preno si Bogart.

Gustong habulin ang mga salarin pero inawat siya ni Helen.

“Nararamdaman ko na iniwan nila sa beach na pinanggalingan nila si ate. Siya ang unahin nating hanapin, kuya,” suhestiyon ng dalagita.

Sinunod ni Bogart ang payo ni Helen.

Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita nila ang magkabilang dulo ng mahabang dalampasigan.

Nanlaki ang mga mata ni Bogart nang sa dulo sa kaliwang bahagi ng dalampasigan ay may matanawan siyang tila tao na nakahandusay.

Lagim na tumakbo patungo rito ang lalaki kasunod si Helen.

Parang tatakasan ng bait si Bogart nang makita ang duguan at anyong nabugbog sa gahasa na katawan ng asawa. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply