Gastambide in-upset si Yes Pogi

PINADAPA ng pangarera ni sportsman Hermie Esguerra na Gastambide ang outstanding favorite  na Yes Pogi sa ginanap na San Miguel Beer Marho Cup 3 YO Colt Mile race sa Sta. Ana Park Naic, Cavite.

Sinakyan ni jockey John Paul Guce, bitbit ang 56 librang timbang, nairehistro ng Gastambide ang 1:45.05 sec. sa 1,600 meter race.

Naisukbit din ni Esguerra ang premyong P500K at naiuwi naman ng stable ni F.G. Lim ang P225K.

Ang dalawa pang kalahok sa apat na entries ay ang Thoties Best na sinakyan ni Dan L. Camanero at ang palabang Flair Balloon na pag-aari ni sportsman Aresteo Puyat na ginabayan ni Antonio Alcasid Jr.

Ang daily double na races 8-9 na winning connections na (4) Gastambide at (6) Supreme leader ay nagdibidendo ng P114.00 habang ang race 8 forecast na 4/2 ay P25.50 ang inuwi ng mananaya. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply