Gawaan ng processed meat, ipinasara

KAUGNAY  sa pagtutok ng Quezon City Health Office upang hindi makalusot ang mga double dead na karne sa mga pampublikong pamilihan, ipinasara ng Quezon City Health Office ang isang gawaan ng processed meat sa Barangay Talipapa.

Ayon kay Quezon City Health Office Chief Dr. Antonietta Enumerable, bunsod ito ng hindi pagsunod sa sanitary requirements.

Natunton ng mga meat inspector ang lugar matapos magduda dahil hindi masagot ng mga stall owner sa Balintawak Market kung saan nila kinukuha ang ibinebentang processed meat.

Kabilang pa rin sa mahigpit na binabantayan na mga pampublikong pamilihan na posibleng magbenta ng mga double dead na karne ay ang Farmers at Q-Mart.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply