Gerald Santos, hindi de-kahon ang istilo sa pagkanta

SUPER hanga  kami  kay Gerald Santos sa katatapos na  pre-Halloween concert niya sa Cabiao, Nueva Ecija nu’ng Oct. 30. Deserving nga siyang tawaging concert prince dahil kayang-kaya niyang kumanta ng 16 songs  sa isang konsiyerto at karamihan dito ay mga medley.

Kung performance at boses ang pagbabasehan, puwede na ring i-level ang boses niya kina Eric Santos, Christian Bautista, Jed Madela. Deserving siyang tawaging Prince of Ballad at bilang grand champion  ng “Pinoy Pop Superstar” Season 2.

Hindi nagkamali si Atty. Irma Villamor Puno, sa pakikipagtulungan ng Prinstar Music na iprodyus ang concert ni Gerald pati na rin ang kanyang second album. Unang kinanta ng batang singer ang “Gonna Be Strong” at sinundan ito ng Barry Manilow hit songs medley.

Swak  sa audience ang “Broken Vow” at “Save The Last Dance For Me” kung saan nagkaroon din ng partisipasyon ang Cabiao Angels (binubuo ng mga bading) ni Atty. Irma. Sinundan din ito ng tribute sa ‘American Idol’ kung saan kumanta siya  ng medley ng “The Climb,” “Imagine,” “Always Be My Baby.”
Nag-enjoy rin ang audience sa medley niya ng Apo Hiking Society tulad ng “Ewan,” “Walang Tigil Ang Ulan,” “Kabilugan ng Buwan,” “Yakap sa Dilim,” at “Mahal Kita.”

Kinanta rin ni Gerald ang mga pinasikat na awitin ni Basil Valdez tulad ng “Gaano Kadalas Ang Minsan,” “Panaginip,” “Tunay na Ligaya,” “Kung Ako’y Iiwan Mo” at “Ulan.”

Nag-impersonate rin ang singer ng mga iniidolo niyang foreign at local singers tulad nina Matt Monro, Frank Sinatra, Mark Bautista, Christian Bautista, Martin Nievera, Gary Valenciano, Janno Gibbs and Ogie Alcasid. Then segue sa mga hit song ng mga nabanggit na singers.

Siyempre, hindi rin nawala sa repertoir ni Gerald  sa bago niyang album gaya ng mga awiting “Hindi Sapat Ang Minsan” at “Kailan Masasabi” at “Ang Iyong Pagmamahal).

Sinundan naman ito ng isang rock and roll medley tulad ng “Antukin,” “Pinoy Ako,” “Narda” at “Huling El Bimbo.”.

Naghandog din si Gerald kay Atty. Irma ng mga awiting “And I Love You So,” a t “Sana Ngayong Pasko.”  Huling song “Maligayang Pasko” at nagtapos sa awiting “I’m Yours.”

Napanatunayan namin na hindi de-kahon ang  istilo ni Gerald sa pagkanta. Isa siyang versatile singer at hindi lang pang-ballad.

Saludo kami sa kanya!!!!

MADIWARANG SINGER, BINIGYAN NG RELEASE PAPER NG MANAGER

Pinag-uusapan ang isang singer na mukhang nawawala na ang ngiti  at nakakabingi ang katahimikan. How true na binigyan na siya ng release paper ng bago niyang manager at binitawan na rin dahil madiwara.
Kasasalo lang daw  sa kanya ng bagong management  pero nangungulit na kung ano ang plano sa career niya, kung kailan magkakaroon ng bagong album. Bago mangunsumi ang bago niyang manager ay binitawan na raw.

“Punta ka sa opisina ko at kunin mo ang release paper ko,” sagot sa kanya.

How true na nag-text ito sa dating manager at gusto nang bumalik?

***

Unprofessional pa rin ang magaling na young actor dahil hanggang ngayon pala ay wala pa ring pagbabago.

Balitang  pinatay na ang character niya  sa isang comedy show ng isang network dahil lagi pa ring late at kung minsan hindi pa sinisipot ang taping.

Hindi nakayanan ng magic wand ng bida ang attitude ng sinasabi naming actor.

Matuk mo, Sabado ang calltime, Linggo na kung dumating.—(Vagay nga matigbak!—ED) Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply