Giant living rosary handog ng UST kay Mama Mary

ISANG giant living rosary ang ipoporma ng University of Santo Tomas (UST) sa pamamagitan ng 20,000 katao para sa nalalapit na ika-400 taon ng Our Lady of the Rosary at sa Feast of the Immaculate Concepcion sa December 8.

Ang event na tatawaging “Q Rosary” ay tanda ng walang kamatayang pagmamahal at debosyon ng mga taga-UST kay Blessed Virgin Mary.

“Having been named ‘Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario’ at the time of its inception, UST has had a long history of devotion to Our Lady of the Rosary, patroness of the Dominican Order. It is in thanksgiving for 400 years of her maternal protection that the University shall hold the Quadricentennial Living Rosary,” anang isang  Fecebook page na inilaan para sa “Q Rosary.”

Ang mga makikilahok sa event ay magkikita-kita sa mga sumusunod na lugar: Arellano Drive, Ceferino Gonzales Drive, Osmeña Drive, A.Albert Drive, Quezon Drive, Leon Ma. Guerrero Drive, and Araullo Drive, at sa may Plaza Mayor at Plaza Intramuros sa loob ng UST Campus sa España, Manila.

Ang participants na maa-assign sa  Hail Mary beads ay magsusuot ng dilaw na shirts. Ang mga maa-assign sa Our Father beads, the Cross, and the Center Medal ay magsusuot ng blue shirts. Ang mga nasa connecting chains naman ay puti ang isusuot.

Ang grand rosary ay dadasalin mula alas-kuwatro hanggang alas-singko ng hapon. Susundan ito ng Mass for the Solemnity of the Immaculate Conception. Soldedad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply