Giant networks, namimili ng kolumnistang pinapapasko?

TOTOO kaya ang balita na ang GMA 7 at ABS–CBN na namimili ng mga kolumnistang bibigyan ng regalo kapag Pasko?

Karapatan nila yan kaya ‘yung mga reporters na nagrereklamo wala silang magagawa. Bakit  sila lang  ba nagbibigay ng mga regalo, maraming mga kumpanya diyan at mga pulitiko. May mga bata kasi ang dalawang  istasyon na ito kaya dapat huwag ng magreklamo. Hayaan muna nila ang mga susuga at suso ang maghari tutal mga senior citizen na ang mga yan.

***

Ang mga barangay na pinupuntahan ng  All for Juan, Juan For All, Sugod Bahay sa Barangay hatid sa inyo ng Coke ay tuwang- tuwa kapag nakikita sina Wally at Jose dahil katakut-takot na pera ang ipinamimigay nila sa nasabing portion.

At  kapag araw naman ng Sabado nakakatuwa at nakakaaliw ang Bulagaan. Kaya tutok lagi sa Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang po!

***

Natutuwa si Congressman Augusto Boboy Syjuco ng 2nd district ng Iloilo sa panalo ng kanyang kasamahan sa Kongreso na si  Congressman Manny Pacquiao laban kay Antonio Margarito sa Amerika.

Si Manny ay simbolo ng pagkakaisa ng bansa ayon mismo kay Syjuco. Sa naganap na laban ni Manny ay walang krimeng nangyari. Sa house resolution 625 ni Bohol Congressman Arthur Yap na pagbibigay ng Congresional Medal of Achievement, the highest honor na binibigay ng Kongreso, ka-level na ni Rep.

Pacquiao si Former South African President Nelson Mandela noong 2004 ay nakatanggap din ng ganoon klase ng parangal .

Si Congressman Syjuco ang co- author ni Rep. Yap sa pagbibigay ng karangalan kay Pacquiao. Gary Sta. Ana

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply