Gilas umaasam pa sa Asiad

BUO pa rin ang pag-asa ng Smart-Gilas Team Pilipinas na makapasok sa quarterfinals ng men’s basketball competition matapos ang 78-57 panalo kontra India sa pagpapatuloy ng 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Dapat manalo ang RP cagers laban sa huling preliminary round opponent na Chinese-Taipei upang makapasok sa top 4 ng group F.

Tabla sa team standing ang Iran, Qatar at Japan na may 3-1 win-loss karta habang 2-3 panalo-talo ang Nationals.

Kailangan makaungos ng maraming puntos na lamang ang Smart-Gilas laban sa mas matatangkad na Chinese-Taipei driblers upang makaiwas sa power house China sa cross over quarterfinals match.

“The Chinese-Taipei game can be crucial,” saad ni Smart- Gilas coach Rajko Toroman, na umaasang tatalunin ang Taiwanese para sa guaranteed entry sa quarterfinals.

“It won’t be if Qatar loses to Japan and Iran. If Qatar splits, then we have to beat Chinese-Taipei to be at No. 3,” dagdag ni Toroman.

Sa mga huling laban ng Chinese-Taipei nakitaan ng tapang sa pag rebound ng bola maging ang kanilang upside shooting ay mapanganib kapag pinabayaang tumira ng walang sagabal.

Nanguna sa Smart-Gilas si Joseph Casio matapos pumukol ng 18 puntos, tatlong assists at dalawang steals habang nag-ambag din si team captain Chris Tiu ng 13 points at tig 10 puntos sina Asi Taulava at Christopher Lutz.  Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply