Gin Kings pinaamo ang Bulls

Mahigpit na depensa ang sinaligan ng rumaratsadang Barangay Ginebra sa pagpapaamo sa Barako Bull Energy Booster sa pangalawang pagkakataon sa iskor na 90-78.

Nakaulit ang Gins sa 93-74 na panalo laban sa Energy Boosters noong Oktubre 22.

Ang 4th quarter scorer na si Marc Caguioa na kumana ng 14 sa total output na 17 points  ang nakatuwang ni best player of the game Ronald Tubid na tinanghal na top scorer sa ibinuslong 19 points.

Nauwi sa panlulumo ang 15 points ni ex-Gin shooter na si Sunday Salvacion at 14 points ng dati ring miyembro ng Gin Kings na si Paolo Hubalde.

Ito ang pinakamahabang 6-straight run ng Gin sa 7 wins kontra 2 losses na nagpasadsad sa Barako Bull sa pang-anim na puwesto sa 10-team standings tangan ang record na 4 talo kontra 2 panalo.

Napanatili ng San Miguel ang tangan ng standings matapos bawian ang Tropang Texters, 93-88.

Sasalida ngayon sa Astrodome ang double-header na Air21 Express vs Powerade Tigers at ang banatan ng Rain Or Shine Elasto Painters at B-Meg Derby Ace Llamados na magsisimula alas 5:00 ng hapon. (Radito Torres)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply