Gin Kings susungkitin ang 7th win

Sisikapin ng Barangay Ginebra na masungkit ang pang-pitong panalo para kalasan ang Tropang Texters na kapwa tangan ang 6-2 win-loss-slate sa 10 team-2 bracket composition ng 2010-11 PBA Philippine Cup eliminations sa magkahiwalay na laro —  Gins kontra Bulls at Talk n’ Text laban sa top-ranked San Miguel Beermen (7-2) sa Big Dome ngayong gabi.

Ang Barako Bull Energy Boosters ay nasa burak ng Group-A sa slate na 2 wins kontra 6 losses na nakasunod sa Air21 Express sa Group-B na tangan ang 3-6 win-loss record.

Katatatak lang ng Barangay Ginebra ng pang-limang kabit-kabit na panalo noong Linggo nang isadlak ang ika-limang talo ng last conference champions Alaska Aces sa iskor na 79-68.

Ang nagbabalik-galing na si Eric Menk mula sa limang larong pamamahinga ay malaki ang naging papel sa panalo ng tropa ni coach Joseph Uichico bagaman sina Willie Miller na bumanat ng 16 at Mark Caguioa na naghatid ng 14 ang nagpahirap sa dumadausdos na Aces ni head mentor Tim Cone.

Sisikapin naman ng San Miguel Beermen na mapanatili ang pangunguna sa team standings subalit desidido ang Tropang Texters na makabalik sa top position sa laro 7:30 ng gabi sa Araneta Coliseum. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply