Ginang nabiktima ng ‘cable agent’

NANAWAGAN ang Marikina PNP sa mga residente sa lungsod ng Marikina na mag-ingat sa mga gumagalang pekeng cable agent  na ang layon ay mangholdap matapos mabiktima ang isang ginang, sa Brgy. Industrial Valley,  kahapon ng umaga.

Dumulog sa pulisya ang biktima na si Jennylyn Mitante, 21 anyos, na residente ng 56 Major Dizon st. Brgy.IVC, sa nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas- 8:00 ng umaga nang magtungo ang mga suspek na nakilala lamang sa alias Marlon at Tisoy sa bahay ng biktima, na nagpakilalang mga ahente ng SKY CABLE at hinihimok na magpakabit ng cable network sa mababang halaga lamang.

Dahil sa magandang pananalita ng mga suspek ay nahikayat nila kaya pinapasok ng biktima sa loob ng bahay para ikabit na ang linya ng kable. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply