Ginang nahagip ng truck

Nalasog ang katawan at nabiyak ang ulo ng isang ginang makaraan na masagasaan ng rumaragasang pampasaherong bus sa lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Arnold Santiago ang biktima na si Eufemia Candalo, nasa  hustong gulang, may-asawa, nakatira sa Pag-ibig compound, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Agad naman sumuko ang suspek na si Anatolio Ladesma, 48,  driver ng Ralfhben bus, na may plakang TXR-506, nakatira  sa Minoya Proper, Quary Road 1, San Jose del Monte, Bulacan.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni  SPO1 Edgardo Talacay, nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga, nang kaladkarin ng isang humahagibis na Ralfhben bus, na may plakang TXR-506, at nasagasaan si Candalo habang tumatawid sa Commonwealth Ave. sa tapat ng Don Fabian Village, ng naturang barangay.

Ang biktima ay nagmula sa Bitoon Circle at nang tumawid  patungo  sa Pag-ibig compound, bigla na lang nahagip ito ng bus na minamaneho ni Ladesma.

Ayon sa mga saksi,  sa lakas nang pagkakabundol  sa biktima ay tumalipon ito ng halos sampung metro at bumalibag  sa center island kung saan naman nabasag din ang salamin ng sasakyan.

Ikinatwiran ng akusadong driver ng bus na hindi niya napansin ang ginang na tumatawid dahil nakasentro ang kanyang paningin sa isang  dump truck na iniwasan kaya nahagip nito ang  huli. (James de Jesus)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply