Gloves ni Margarito, babantayan ni Roach

Para umano makatiyak na walang pandarayang mangyayari sa November 13, itinalaga ngayon ni coach Freddie Roach ang malapit na kaibigan nito para bantayan ang paglalagay ng tape sa kamay ni former three time world champion Antonio Margarito.

Maalala na malaking isyu laban kay Margarito ang umano’y pandaraya nito at paglalagay ng illegal substance sa kanyang gloves.

Ayon kay Roach, bagama’t nais umano nitong personal na tutukan ang taping ni Margarito pero tiyak umanong magiging abala din siya sa pag-aasikaso sa kanyang alaga na si 7-division world champion Manny Pacquiao.

Bunsod nito, kanyang inatasan ngayon  ang  trusted ally at close friend na si Billy Keane na siyang kakatawan sa Team Pacquiao sa dug-out ni Margarito.

Maalala na si Keane ay nagsilbing manager din noon ni dating Filipino champion Gerry Penalosa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply