Gov. Dy igigisa sa illegal logging

POSIBLENG  isalang sa masusing imbestigasyon si Gov. Faustino “Bojie” Dy III ng Isabela hinggil sa malawakang illegal logging sa Sierra Madre Mountain range na siyang nagdulot ng matinding pagbaha sa lalawigan.

Kamakailan, inihain ni Sen. Manny Villar  ang Senate Resolution No. 240 na nag-aatas sa Senate environment committee at committee on climate change na imbestigahan ang pagkalbo ng kagubatan, hindi lamang sa Isabela, kundi maging sa Cagayan at Tuguegarao na siyang sanhi ng pagbaha sa lugar.

“Nakikita natin ang  epekto  sa pag-abuso ng mga tao sa Sierra Madre. Ang matinding pagbaha ngayon sa Cagayan at Isabela ay patunay na kung hindi wawakasan ang illegal logging, mas matindi pang delubyo at panganib ang naghihintay sa atin,” wika ni Villar.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply