Grabe rin ang kolorum na tricycle sa Cabanatuan

Kalahati raw ng mga pumapasadang tricycle sa Cabanatuan City ang pawang mga kolorum.

Hindi raw kumikilos ang mga kinauukulan partikular ang LTO at ang kapulisan  dahil sa malaki yata ang ganansiyang natatanggap ng mga ito mula sa mga kolorum na tricycle.

Sa pagkakataong ito ay kakalampagin natin ang kapulisan at ang tanggapan ni LTO Chairman Virginia Torres.

Chairman Torres, pakibusisi lang  ninyo ang sobrang dami ng pumapasadang kolorum sa Cabanatuan City.

Nag-aangalan na raw ang mga ligal na tricycle driver dahil wala na silang kinikita.

Basahin ninyo ang mga nilalaman ng reklamo sa text message.

Sir Johnny, gud pm.

Sir, dito sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kalahati ng pumapasadang tricycle  ay kolorum at ganundin po yung walang license.

Tamad din po ang LTO,  pati na ang mga pulis ay masahol pa riyan sa Muntinlupa kung mangotong sa mga tricycle na  kolorum.

Sir, pakikalampag ang LTO at mga kapulisan sa Cabanatuan City.

Wala na silang ginawa kundi ang mangotong sa mga kailigalan.

Maraming salamat po, Sir Johnny. Sana ay mai-publish ninyo ito kaagad.

SUGALAN SA BULACAN TULOY

Hindi pa rin tumitigil ang operation ng loteng, jai-alai, ending at EZ2 kahit mahigpit ang kampanya sa lahat ng uri ng iligal na pasugalan sa Sta. Maria, Bulacan.

Malakas kasi ang mag-asawang Nonong at Marivic at isang Ding kay Mayor Omeng Ramos.

Hindi matinag ang mga pasugalan sa Sta. Maria  dahil sa pinoproteksyunan daw ito ni meyor.

Ang mga sugalan daw na ito ang pinagkakakitaan umano ni Mayor Ramos?

Gaano ba katotoo ito, Mayor Ramos?

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply