Grand Lotto 6/55 bigo pa ring masungkit, premyo papalo na sa P620 milyon

NANANATILI pa ring pangarap ng mga Pinoy na masungkit ang mapapanalunan sa Philippine Charity Sweepstakes Office’s Grand Lotto 6/55 matapos walang manalo sa nakaraang bola noong Lunes ng gabi.

Wala pa ring nananalo sa pinakamalaking papremyo ng Lotto na pumalo na sa P584.829 milyon kung saan lumabas ang may winning combination na 22-25-17-50-19-37.

Ayon naman sa PCSO, mayroong 111 mananaya ang nakakuha ng lima sa anim na numero at nakasungkit ng consolation prize na P180,000  bawat isa.

Sa gitna ng kalakasan ng ulan at pagbaha, dumagsa pa rin ang mga Filipino sa pagtaya sa Grand 6/55 para sa Monday night’s draw.

Inaasahan namang papalo na sa P620 milyon ang mapapanalunan sa naturang laro kung saan sa Miyerkules at Sabado ng gabi ang nakatakdang muling pagbola.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply