Grand Lotto 6/55 maagang pinilahan

MAKARAANG hindi mapanalunan ang jackpot prize sa Philippine Charity Sweepstakes Office’s Grand Lotto draw noong Miyerkules, maagang nagsipila ang mga nangangarap na masungkit ito na nakatakdang bolahin ngayong Sabado ng gabi.

Karamihan sa mga mananaya ay pumila Biyernes pa lamang ng hapon sa pag-asang masusungkit nila ang halagang pumalo na sa mahigit kalahating bilyon.

Samantala, nananatili namang offline ang website ng PCSO umaga pa lamang ng Sabado.

Dahil sa paglipat ng bagong opisina ng kanilang management information system sa Philippine International Convention Center sa Pasay kung kaya nananatili pa ring offline ang website kung saan nakatala ang mga naging resulta ng laro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply