Grand Lotto draw 6/55, bigo pa ring masungkit

WALA pa ring nakakasungkit ng premyo sa jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s Grand Lotto draw 6/55, na umakyat na sa mahigit kalahating bilyon ang mapapanalunan.

Walang naging masuwerteng mabingwit ang kombinasyong 04-41-40-55-42-45 kung saan papalo na ang papremyo sa P633,911,065.20 – pinakamalaking papremyo sa kasaysayan ng Lotto.  At kung wala pang makakakuha sa Sabado, tiyak pa ang paglobo nito.

Inaasahan ding dadagsa na naman ang mga tataya sa lotto para sa bola sa Sabado.

Samantala, online na ang “Games Result” section ng PCSO’s website (www.pcso.gov.ph).

Ayon sa PCSO, mararanasan pa rin na maging offline ang kanilang website hanggang sa lubusang makalipat ang kanilang Management Information Service (MIS) sa kanilang bagong opisina sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply